babae, nasa tamang edad, inlab... marami akong kwento, makinig ka kung gusto mo... maari akong magkwento tungkol sa buhay pagibig at sex, ngayon kung hindi mo kaya, feel free to leave... pwede to sa bata, mas pwede sa matanda...gets mo? eh di mabuti
ang green minded

Dear Papa Jack

namiss ko magkwento papa jack lawls

after ni ex #3, last kong naging ex si #4

napakawalang kwentang nilalang rin shit

hindi siya marunong magpahalaga  sa isang relasyon.

puro sakit lang talaga at sama ng loob ang binigay niya sakin tangina

ewan ko ba kung ano ba nagustuhan ko dun at kung ba’t nabuhay pa sa mundong ito yung ganung klase ng lalaki

Anonymous asked: may isang guy na espesyal sa akin super close kame pero one day wala na siyang communication sa akin parang stranger siya ulit, bakit po ganun?

goodmorning anon! :)

nangyari yan sa akin dati may super close guy friend din ako, we even go out on friendly dates or date nga ata yun kasi kaming dalawa lang, we were very close until one time bigla na lang unti unti siyang nawawala…

one day, nalaman ko na lang may gf na siya…

para sakin sa opinyon lang, baka mas nagassume ka na special ka rin sa kaniya. did he ever confess his affection for you? yung tipong nasabi ba niya how much he likes you? kasi baka sweet lang siya talaga by nature and kaya siya lumayo kasi naramdaman niya na you like him na, and he doesn’t want to be involve with that kind of relationship, kasi close friendly relationship lang talaga yung kaya niyang ibigay :(

yan ay opinyon ko lang… sana makatulong…tc anon!

Anonymous asked: pano po ba mlalaman if gusto ka ng guy?

makikita mo sa mga mata niya, sa kilos niya, mararamdaman mo yan for sure :)

kdotbiatch asked: papa jack .. pano ba kalimutan ung lalakeng inakala mong magiging sau til da end ?

hirap no pag ganyan, akala mo kayo na talaga tapos darating yung panahon malalaman mo hindi pala talaga kayo para sa isa’t isa, parang dumaan lang siya sa buhay mo…

hindi madali kalimutan yung taong akala mo magiging parte na ng buhay mo habang buhay… ang maadvice ko lang siguro is keep on living your life, kahit masakit ate! kasi the more na masasaktan ka, the more na nasasanay kang wala siya mas better, tingnan mo one day paggising mo, kahit maisip mo siya at makitang wala na talaga siya, hindi na magiging ganun kasakit, kasi nakaya mong mabuhay ng dala yung sakit ng pagkawala niya.

so live with the pain, it will help you forget :)

sana makatulong…tc!

Dear Papa Jack

ayaw ko na ata ikwento si ex #3…

kasi alam ko i had caused him so much pain ewan ko hanggang ngayon ata di pa din siya nakaka-move on  yak feelingera ako haha  

dati kasi sabi niya sa mga tita ko at sa nanay ko IINTAYIN NIYA KO NO MATTER WHAT maygaaaaawwwwdd tapos hanggang ngayon wala pa siyang girlfriend kahit na may boyfriend na ko parang ayaw niya pa din mag-girlfriend

ano sa tingin mo?

Dear Papa Jack

naalala ko dati pa ko pinipilit ng nanay ko na makipagkaibigan kay ex#3 kahit break na kami. napunta pa rin kasi siya sa bahay namin dumadalaw. at kada pupunta siya hindi ko siya pinapansin.

ang sama ko no?

ang sakin lang papa jack, ano bang gusto niyang sabihin ko sa kanya? alangan namang makipagkwentuhan ako sa kanya na parang walang nangyari. anu bang gusto nila? mag-apir pa kaming dalawa? nakakaloka lang isipin.

2years akong single mula ng nang break kami ni ex#3 at yun nga di siya tumigil ng dalaw at pagmemessage sakin, alam ko naasa pa siya na magkakabalikan kami pero ayoko na.

hindi ko kayang pilitin yung sarili ko na mahalin ulit siya kasi ramdam ko naman na hindi ko na siya mahal, masasaktan ko lang siya.

HINDI NATIN KAILANGANG IPILIT ANG ISANG BAGAY NA HINDI NA PWEDE NG DAHIL LANG SA NAAWA KA SA KANYA. DAPAT PAKINGGANG MABUTI KUNG ANO BA TALAGA ANG NARARAMDAMAN NG PUSO BAGO GUMAWA NG DESISYON.

alam kong tama ang naging desisyon ko na di na bumalik, ayaw kong magpaasa ayaw kong makasakit papajack. masaya na ko ngayon, sana masaya din siya.

Dear Papa Jack

Alam mo papajack natutuwa ako sa boyfriend ko ngayon…

kasi pagna-tawag siya sakin sa cellphone ko…

Pang-BedRoom Voice yung boses niya hahahaha

seryoso! ang sarap pakinggan, husky, ang macho ng tone may maskels?lol, ang lalim, lalaking lalaki, parang pipikit ka lang tapos ayaw mo na matapos yung usapan niyo shhhheeeeeeeeeeet kakakilig hahaha

landiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii :)

Dear Papa Jack

I may be posting my past experiences from past Fail relationships

but there is this one fact that i want all of you to know…

I’m Inlove with my current boyfriend and he will be my last :)

Dear Papa Jack

Alam mo ba yung feeling na naiiyak ka nang sobra dahil lang sa isang word na nasabi niya ng di naman sinasadya…

nangyare yan sakin last time, sobrang kahit anong pilit kong itago na nasaktan ako, hindi ko kaya…

yakap niya ko nun ni current boyfriend, magkatabi kami nakahiga, may nasabi siya na word na ayaw kong marinig ever, hindi naman niya alam na hindi ko gusto yun, naiyak ako kasi ang sakit eh, buti na lang nakatalikod ako sa kanya kaya di niya nakita,

pero after awhile di ko na din talaga kinaya, nung tinanong niya ko kung may problema ba, kahit sabihin kong “wala” kita sa expression ko na meron,

naiyak ako ng sobra, yakap ko siya habang sinasabi ko sa kanya yung naramdaman ko…humagulgol talaga ako as in papa jack

naiyak din siya, hindi niya daw sinasadya, he never want to see me hurt. nag-sorry siya…

ngayon we are ok, buti na lang talaga napaguusapan yung mga ganung bagay, at open kaming dalawa sa ganun

Dear Papa Jack

so ayun nga papa jack, nagtagal kami ni ex #3 infernes inferno minahal ko yun, sineryoso, atsaka naging faithful ako sa kanya as in…

hindi naman kasi ako yung tipo ng babae na magboboyfriend lang just for fun, seryso ako talaga pagnagmahal woi totoo!haha 

naging masaya yung relationship ko sa kanya, sa loob ng halos mahigit 2 years, naging masaya ako, umiyak, nasaktan din, tumawa, naging maligaya, we had our adventures and misadventures together.

sobrang inlove kami noon sa isa’t isa papajack… parang siya na talaga yung buhay ko, ika nga nila sa kanya lang umikot ang mundo ko…

hanggang sa…

isang gabi, malamig, umuulan, di ko alam kung sinapian ata ako ng espiritu ni sadako takte naibigay ko ang lahat lahat as in lahat sa kanya…

LAGOT!!!

SCM Music Player - seamless music for your Website, Wordpress, Tumblr, Blogger.